PANOORIN: Mas mahal na shabu, senyales ng kumokonting suplay — Remulla
MANILA, Philippines — Iginiit ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang pagtaas ng presyo ng shabu ay indikasyon ng pagliit ng suplay nito.
"Ibig sabihin, ang suplay ang mababa, nahihirapan sila kumuha," ani Remulla nitong Miyerkules, Nobyembre 4.
Ayon kay Remulla, nasa P3,800 kada gramo ang presyo ng shabu bago maupo si Pangulong Bongbong Marcos, habang umabot na ito sa P6,800 kada gramo ngayon.
Kinuwestiyon din ni Remulla ang pagiging epektibo ng "war on drugs" ng nakaraang administrasyon dahil nakapapasok pa rin ang droga sa bansa noon.
"Bakit pumapasok ang droga noong panahon na iyon, at ngayon nakukuha lahat?" aniya.
- Latest




















