^

Bansa

Mayon nag-alburoto ulit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayon nag-alburoto ulit
Sa record ng Phivolcs, dalawa sa naturang pagyanig ay phreatic eruption na nagdulot ng may 300-500 metrong taas na kulay abo na usok na nagmula sa bunganga ng bulkan. Nakapagluwa rin dito ng 988 tonelada ng asupre kada araw.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Muling nag-alburoto ang bulkang Mayon sa Albay makaraang makapagtala ito ng anim na volcanic earthquakes at dalawang rockfall events sa loob ng 24 oras.

Sa record ng Phivolcs, dalawa sa naturang pagyanig ay phreatic eruption na nagdulot ng may 300-500 metrong taas na kulay abo na usok na nagmula sa bunganga ng bulkan. Nakapagluwa rin dito ng 988 tonelada ng asupre kada araw.

Patuloy na nasa Alert Level 2 ang Mayon na na­ngangahulugan na patuloy ang pag-aalburoto nito.

Pinaaalahanan ng Phivolcs ang publiko na huwag papasok sa loob ng 6 km-radius Permanent Danger Zone at sa precautionary 7 km-radius Extended Danger Zone partikular sa may bahagi ng Anoling, Camalig hanggang Sta. Misericordia, Sto. Domingo dahil sa banta ng pagbagsak ng bato mula sa dalisdis ng bulkan at pagluwa ng pyroclastic materials.

Niliwanag ng Phivolcs na wala namang kinalaman sa mainit na panahon ang muling pag-aalboroto ng Mayon.

MAYON VOLCANO ERUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with