^

Bansa

P3-T 2016 national budget aprub sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumasa na kahapon sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang P3.002-trilyon national budget para sa 2016.

Bumoto ang 14 senador ng pabor at tanging si Sen. Koko Pimentel lamang ang nag-iisang kumontra.

Nauna ng sinabi ni Senate President Franklin Drilon na sa susunod na linggo isasalang ang panukalang pambansang budget sa bicameral conference committee upang maplantsa ang hindi magkakatugmang ‘figures’ ng dalawang kapulungan.

Kumpiyansa si Drilon na mararatipikahan ang pambansang budget sa pagitan ng Disyembre 7-11 at maisusumite ito sa Malacañang sa Disyembre 14 upang malagdaan ni Pangulong Aquino bago matapos ang taon.

Ang DepEd ang nakakuha ng pinakamala­king budget. 

Ang ipinasang bud­get ng DepEd sa House of Representatives ay P411,482,789, pero sa bersyon ng Senado, ginawa itong P411,896,257.

Binawasan naman sa bersiyon ng Senado ang pondo ng Office of the President ng nasa P66 milyon. Sa bersiyon ng Kamara, ito ay P2,825, 998,000 pero sa bersiyon ng Senado, ito ay gina­wang P2,759,895,000.

Nadagdagan naman ng nasa P269,488,000 ang tanggapan ng Office of the Vice President na mula sa P230,512,000 sa Kamara, ginawa itong P500 milyon ng Senado.

Dinagdagan din ng Senado ng nasa P11 bilyon ang pondo ng Defense, mula sa P115.8 bilyon sa bersiyon ng Kamara, ay naging P127 bilyon.

Dinagdagan din ang pondo ng DOJ ng nasa P96 milyon mula sa P12.8 bilyon sa bersiyon ng House ginawa itong P12.9 bilyon, pero binawasan ang pondo ng tanggapan ng Secretary of Justice ng nasa P179 milyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DINAGDAGAN

DISYEMBRE

DRILON

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KAMARA

KOKO PIMENTEL

OFFICE OF THE PRESIDENT

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with