^

Bansa

TRO vs RTPL ibinasura ng Quezon City court

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang petisyon ng Bukluran ng mga Manggagawang Umaasa sa Industriya ng Seguro o BMIS na humihiling ng temporary restraining order sa programa ng DOTC-LTO ukol sa pagpapatupad ng Reformed Third Party Liability o RTPL.

Sa kautusan na inilabas ni RTC Branch 105 presiding Judge Rosa Samson nitong Nobyembre 9, inatasan nito sina LTO Chief, Assistant Secretary Alfonso Tan, Jr., ang counsel ng BMIS na magsumite ng kani-kanilang posisyon o memo­randa para sa aplikasyon ng temporary injunction.

Nauna nang tiniyak ng LTO ang pagpapairal ng RTPL kasunod ng talamak ng katiwalian at rekla­mong kanilang tinatanggap laban sa CTPL o Complusory Third Party Liability.

Ayon kay LTO spokesman Jayson Salvador, walang dahilan para pigilan ng sinuman ang RTPL dahil lahat ng positibong pakinabang ng publiko at ng gobyerno ay makakamit dito.

Tinukoy ni Salvador ang pagpuksa sa mga bogus insurance company na kumontrol sa CTPL sa mahabang panahon at ang kawalan ng benepis­yo ng mga vehicle owners sa tuwing mangyayari ang aksidente.

Binigyan ng 15 araw ng korte ang petitioner at ang LTO-DOTC para makapagsumite ng kanilang mga posisyon bago solusyunan ng hukuman ang isyu ng magkabilang panig.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASSISTANT SECRETARY ALFONSO TAN

AYON

BINIGYAN

COMPLUSORY THIRD PARTY LIABILITY

JAYSON SALVADOR

JUDGE ROSA SAMSON

MANGGAGAWANG UMAASA

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

REFORMED THIRD PARTY LIABILITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with