^

Bansa

Service charge sa bangko giit alisin na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na ipagbawal na ang pagpataw ng mga bangko ng service charge o anumang uri ng penalty sa depositors na bumababa sa maintaining balance ang deposito.

Sa House bill 3162, sakop nito ang lahat ng pri­bado at pampublikong bangko at itinatakda nito ang parusang anim na buwan hanggang anim na taon at multang isang milyong piso para sa Presidente, Bise Presidente o General Manager ng bangko na lalabag dito.

Bukod dito, kakanselahin din ang license to ope­rate ng bangko at hindi na kailanman bibigyan ng ganitong lisensya.

Paliwanag ni Erice, ang pagpapataw ng penalty sa accounts na below maintaining balance ay nagdi-discourage sa publiko na magdeposito sa bangko dahil lalo pang mababawasan ang kakaunti nilang ipon sa halip na tumubo ng interes.

vuukle comment

BANGKO

BISE PRESIDENTE

BUKOD

CALOOCAN CITY REP

EDGAR ERICE

GENERAL MANAGER

ISINUSULONG

PALIWANAG

SA HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with