^

Bansa

Nora laglag sa droga kaya ‘di naging National Artist

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

CLARK, Pampanga - Inamin ni Pangulong Aquino na ang pagiging convicted sa drug case ni superstar Nora Aunor ang naging hadlang para hirangin niya itong National Artist.

Sinabi ng Pangulo sa media interview matapos dumalo sa 67th anniversary ng Philippine Air Force (PAF) dito, bagama’t fan sila ng kanyang ama na si yumaong Sen. Ninoy Aquino Jr. ni Ate Guy ay mayroong batayan na dapat sundin sa pagtanghal ng national artist.

Kung papayagan umano niyang hirangin bilang National Artist si Aunor tila magkakaroon ng mensahe na ayos lamang ang paggamit ng illegal na droga.

“Na-convict po si Nora Aunor sa drugs at naparusahan at ang tanong ngayon dito, ‘pag ginawa ba nating national artist may mensahe ba akong maliwanag na sinasabi sa sambayanan,” sabi ni PNoy.

Wika pa ni PNoy, iginagalang nito at kinikilala ang naging ambag ni Aunor sa industriya suba­lit ang naging problema nito sa droga ang naging sagabal para hirangin niya itong national artist.

Giit ni PNoy dapat “zero tolerance’ pagdating sa illegal na droga at mali anya ang paggamit nito kahit kailan.

vuukle comment

ATE GUY

AUNOR

GIIT

INAMIN

NATIONAL ARTIST

NINOY AQUINO JR.

NORA AUNOR

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with