^

Bansa

Nag-amok, nag-suicide

Victor Martin at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines– Matapos mag-amok at pagtatagain ang limang katao na kinabibilangan ng sariling kapatid at hipag  ay natagpuan na lamang na isa nang malamig na bangkay ang suspek sa ilog ng Brgy. Sto, Domingo, Quirino, Isabela kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Francis Terenal, 50, residente ng nabanggit na lugar. Si Terenal ay una nang pinaghahanap ng pulisya matapos mawala sa katinuan at pagtatagain ang kanyang mga kaanak at kapitbahay noong Linggo. Nakilala ang lima katao na ngayon ay nasa pagamutan dahil sa mga tinamong sugat dahil sa pananaga na sina Tito Terenal, 52, (kapatid), ang asawa nitong si Maricel, ang hipag ng kapatid na si Jenny Cabacungan at kapitbahay na sina Erlina Rexion at Arlyn Valdez. Matapos ang pananaga ay tumakas na ang suspek na sinasabing tila sinaniban ng masamang espiritu hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay na nakatali sa kanyang pang-araro sa bukid upang hindi tangayin ng tubig sa ilog. Sinasabing tumungga umano ng isang uri ng insecticide si Terenal na naging sanhi ng kanyang kamatayan base sa bakanteng sisidlan ng pamatay peste na natagpuan sa gilid ng ilog.

vuukle comment

ARLYN VALDEZ

BRGY

DOMINGO

ERLINA REXION

FRANCIS TERENAL

ISABELA

JENNY CABACUNGAN

MATAPOS

SI TERENAL

TITO TERENAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with