^

Bansa

House probe sa missing 2,000 container vans pinabubuksan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hihilingin ni House Minority Leader, Quezon Rep. Danilo Suarez na muling buksan ng Kamara ang imbestigasyon nito sa 2,000 container vans na misteryosong nawala habang patungo sa Port of Batangas mula Maynila noong 2011.

Sa isang press briefing, sinabi ni Rep. Suarez na bagaman natukoy ng mga mambabatas ang forwarders, trucking services at kanilang mga driver gayundin ang warehouse kung saan idineliver ang mga kargamento, itinigil naman ng House Committee on Ways and Means at Committee on Good Government ang imbestigasyon matapos umupo sa Bureau of Customs si dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon kasunod ng pagbibitiw ni dating commissioner Lito Alvarez.

Mula noon ay nabinbin na ang pagdinig at wala na ring naitakdang hearing pa ang mga komite sa naturang isyu.

“Up to now, I think we’re still looking for the missing container vans,” wika ni Suarez.

Bunsod nito, naghain ng resolusyon si Suarez na nag-aatas sa BIR at BoC na magsagawa ng imbentaryo sa Puregold na una nang isinalang sa pagtatanong kaugnay sa missing container vans.

Ang Puregold ay pag-aari ng negosyanteng si Lucio Co.

Sinasabing si Co ang may-ari ng mga warehouse kung saan idineliver ang mga container vans.

Sa isasagawang audit sa Puregold ay matutukoy din kung saan kinukuha ng naturang supermarket ang ibinebenta nitong  mga paninda sa kanilang mga outlet.

Una rito ay nagsagawa ng raid ang team ni Alvarez sa isang warehouse sa C-3 Road sa Dagat-Dagatan, Caloocan City at dito ay nabawi ang 50 container vans na bahagi umano ng nawawalang kargamento na naglalaman ng tinata­yang P50 mil­yong halaga ng smuggled rice at refined sugar.

Ang ni-raid na Uni-Ne­xus Trading ay pag-aari ni Sunny Angeles.

Sabi pa ni Suarez, ang kanyang resolution na i-audit ang Puregold ang pormal na tatapos sa isyu ng missing container vans.

 

vuukle comment

ANG PUREGOLD

BUREAU OF CUSTOMS

CALOOCAN CITY

DANILO SUAREZ

GOOD GOVERNMENT

HOUSE COMMITTEE

PUREGOLD

SUAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with