^

Bansa

Nabubulok na imported frozen meat hinuhugasan ng tawas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Para magmukhang sariwa

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ang publiko sa pagbili ng murang frozen pork na inangkat mula sa ibang bansa matapos madiskubreng sira o kontaminado na pero hinuhugasan lang gamit ang tawas para magmukhang sariwa.

Sa pulong balitaan kahapon, sinabi ni AGAP Partylist Nicanor “Nikki” Briones na nadiskubre nila ito matapos ang isinagawang raid ng Marikina Police sa isang bodega kung saan nasa 20 toneladang expired frozen meat na nagkakahalaga ng P4 milyon ang nakumpiska sa Brgy. Tanong, Marikina City kamakailan.

Kasabay nito, sinabi ni Briones na sobra-sobrang pahirap na ang nararanasan ng mga local hog raisers dahil sa pagkalugi sa pagdagsa ng mga imported frozen pork na inilalako sa merkado sa bagsak presyo na P110 pataas kada kilo lamang.

Aniya, kada isang baboy ay nasa P5,000 ang lugi ng mga magbababoy o P250 milyong kada araw o P70 bilyon na pagkalugi kada taon ng mga hog raisers dahil sa epekto ng pork imports.

Dahil dito, nanawagan si Briones kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agarang maglabas ng Executive Order na nagtataas ng taripa o maibalik sa 30%-40% tariff sa mga imported pork upang maprotektahan ang mga lokal na hog raisers; bawasan ang importasyon ng karne ng baboy, at itigil ang “technical smuggling” sa bansa.

Nanawagan din ang mambabatas kay Customs Commisioner Ariel Nepomuceno na silipin ang reference value sa transaction value ng mga imported meat na nakalulusot sa Bureau of Customs na dapat ay isinasailalim sa red lane inspection.

AGAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with