PANOORIN: Trillanes, hindi raw welcome sa trial? Impeachment spox kumontra
MANILA, Philippines — Kinontra ng impeachment court spokesperson na si Reginald Tongol ang pahayag ni dating senador Antonio "Sonny" Trillanes IV na hindi raw siya "welcome" na humarap bilang testigo sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
"Walang ganoon na ipinakita sa kanya ang impeachment court. So, I think that will be a baseless assumption," ani Tongol sa online press briefing ngayong Biyernes, Oktubre 2.
Binanggit din niya ang pagdalo ni Trillanes sa Senate impeachment court at pag-upo sa main gallery, na aniya ay nakalaan para sa mga "very important persons," nitong Martes, Setyembre 29.
"Wala naman pong ganyang pakiwari 'yung ating impeachment court, mga senator-judges kay former senator Trillanes," aniya.
Nauna nang sinabi ni Trillanes sa hiwalay na press conference nitong Biyernes, Oktubre 2, na ayaw umano sa kanya ng mga senador.
"The signal is clear: hindi ako welcome," sagot ni Trillanes sa tanong kung pupunta pa rin siya sakaling papadalhan siya ng subpoena.
- Latest



















