^

Bansa

Divorce Bill binuhay

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Gustong buhayin ni Sen. Pia Cayetano ang divorce bill matapos ang ginawang pag-amin ng dalawang senador na hiwalay na sila sa kani-kanilang asawa.

Ayon Cayetano, napapanahon na ang pagtalakay sa divorce bill lalo pa’t mas traumatic sa Pilipinas ang pakikipaghiwalay sa pamamagitan ng annulment.

Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos aminin nina Sens. Koko Pimentel at Chiz Escudero na hiwalay na sila sa kani-kanilang asawa.

Paliwanag niya, mas mahirap ang proseso ng annulment dahil kailangan pang magsisihan ng mag-asawa at palabasin na walang kasal na nangyari sa kabila ng mga taon na kanilang pinagsamahan.

Hiwalay na rin sa kaniyang asawa si Cayetano at ipinapa-annul ang kaniyang kasal.

Sinabi ni Cayetano na dapat talagang tanggapin na nagmahalan din naman ang isang mag-asawa pero dumating ang panahon na hindi na sila magkasundo kaya kinakailangan ng maghiwalay.

vuukle comment

AYON CAYETANO

CAYETANO

CHIZ ESCUDERO

GINAWA

GUSTONG

HIWALAY

KOKO PIMENTEL

PALIWANAG

PIA CAYETANO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with