^

Bansa

De Lima tinawag na 'spoiled brat'

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Tinawag na “spoiled brat” at “arogante” ng mga miyembro ng minorya sa Kamara si Justice Secretary Leila de Lima dahil sa pagsuway nito sa ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema para makalabas ng bansa si dating pangulong Gloria Arroyo.

Ayon kina House Mino­rity Leader Edcel Lagman at Siquior Rep. Orlando Fua, maituturing na abogado si de Lima subalit hindi ito marunong sumunod sa itinatakda ng batas.

Giit ni Lagman, maituturing din na “arrogance of power” ang pagmama­tigas ng kalihim na hindi sundin ang pasya ng Kataas-taa­sang hukuman kaya’t paano pa umano makakaasa ang mga ordinaryong mamamayan ng hustisya at proteksyon mula sa gobyerno kung mismong ang da­ting pa­ngulo at ngayon ay mam­babatas na tulad ni GMA ay hindi nakakuha ng tamang pagtrato.

Banat pa ng Minorya, tila lumilihis si de Lima sa ipina­ngakong ‘tuwid na daan’ ni Pangulong Aquino.

Pangamba naman ni Manila 5th district Rep. Amado Bagatsing, maaaring maulit ang ginawang paghamon ng DOJ sa Supreme Court kayat dapat na umano itong agad na maresolba.

vuukle comment

AMADO BAGATSING

GLORIA ARROYO

HOUSE MINO

JUSTICE SECRETARY LEILA

KORTE SUPREMA

LEADER EDCEL LAGMAN

ORLANDO FUA

PANGULONG AQUINO

SHY

SIQUIOR REP

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with