^

Bansa

Oposisyon hindi aatras sa KKK probe - Magsaysay

-

MANILA, Philippines - Hinding-hindi umano uurungan ng House Minority Bloc ang face to face nito sa mga tinaguriang KKK o Kaibigan, Kaklase at Kabarilan ni Pa­ngulong Noynoy Aquino.

Sinabi ni House De­puty Minority leader Milagros Magsaysay, mara­ming dapat sagutin si LTO chief Virginia Torres kabilang na dito ang pagkakakaladkad sa kanya sa naging sigalot noon sa LTO at Stradcom kung saan naparalisado ng halos anim na oras ang operasyon ng ahensiya.

Ang reaksyon ni Magsaysay ay kaugnay sa pahayag ni LTO chief Virginia Torres na hindi niya aatrasan ang naka­ambang congressional hearing ng Mababang Kapulungan laban sa mga miyembro ng gabinete na nasasangkot sa iba’t ibang isyu ng katiwalian at kontrobersiya.

Bukod dito nais din umano maliwanagan ng oposisyon kung bakit hindi ito magawang masipa sa pwesto ni Pangulong Aquino.

Ang ibang katanungan naman ay “surprise” daw muna subalit siniguro ni Magsaysay na gigisahin nila ng husto ang kontro­bersyal na LTO Chief.

Hamon naman ni Magsaysay sa iba pang KKK, gayahin si Torres na nagpasabi ng kahan­daang humarap sa im­bestigasyon upang lina­win at sagutin ang mga alegasyong ibinabato laban sa kanila.

Nauna nang nag­hain ng pormal na resolusyon ng House Minority na naglalayong siyasatin sina Torres, DILG Undersecretary Rico Puno, dating BUCOR director Ernesto Diokno, at iba pang tinatawag na KKK ni PNoy. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

ERNESTO DIOKNO

GEMMA GARCIA

HOUSE DE

HOUSE MINORITY

HOUSE MINORITY BLOC

MABABANG KAPULUNGAN

MAGSAYSAY

SHY

VIRGINIA TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with