^

Bansa

'Easy access to success' handog ng Ultra Mega

-

MANILA, Philippines - Madaling paraan sa pag-unlad ng kabuha­yan ang handog ng isa sa pinagkakatiwalaang wholesaler sa bansa, ang Ultra Mega, sa pagdaraos ng kanilang ika-apat na taunang Trade Expo ngayong October 22 at 23.

Katulad ng tatlong nakalipas na taunang pagtitipon, ang Ultra Mega Trade Expo 2010 ay exclusive para sa wholesale customers ng Ultra Mega tulad ng groceries, supermarkets, pharmacy stores, market stalls, marketing institutions at marami pang iba.

Ang dalawang araw na pagtitipon na may temang Ultra Mega Trade Show 2010: Your Easy Access to Success ay magtatampok hindi lamang sa tagumpay at patuloy na pag-unlad ng Ultra Mega at ng kanilang mga trade partners kundi maging ang patuloy na kontribusyon nito sa pagpapalago ng negosyo ng kanilang mga customers sa pamamagitan ng pagbibigay ng “good buys” at “better business opportunities” sa kanila.

Sentro ng dalawang araw na event ang booth fair, na magaganap sa Le Pavillon simula 1:00pm hanggang 6:00pm, October 22 at 23, na magtatampok ng mga ‘themed’ booths ng pangunahing suppliers sa bansa. Isang natatanging dinner-show ang idaraos pagkatapos, sa Golden Bay Restaurant kung saan itatampok naman ang pagtatanghal ng mga naglalakihang artista mula sa kapuso at kapamilya networks. Ang Ultra Mega celebrity endorser na si Pokwang at ang kilalang stand-up comedian na si Pooh ang magsisilbing hosts ng programa.

Kabilang sa mga benepisyo para sa mga dadalo sa expo ay ang 2-day sale na magbibigay ng naglalakihang diskuwento sa mga customers, food at products sampling, raffle prizes at mga give-aways. May nakalaan din na lib­reng shuttle service para sa convenience ng mga inimbitahang costumers.

vuukle comment

ANG ULTRA MEGA

GOLDEN BAY RESTAURANT

ISANG

LE PAVILLON

TRADE EXPO

ULTRA MEGA

ULTRA MEGA TRADE EXPO

ULTRA MEGA TRADE SHOW

YOUR EASY ACCESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with