^

Bansa

Palarong Pambansa sinamantala ng pulitiko

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinamantala ng ilang mga pulitiko ang pagdagsa ng daang-libong kalahok sa taunang Pa­larong Pambansa sa pa­ngangampanya sa pagkakabit ng kanilang mga “campaign paraphernalias” sa mga daan patungo sa venue sa San Jose, Tarlac.

Mula sa mga pangunahing lansangang dinaraanan ng mga kalahok at mga manonood hanggang sa mismong venue ng Palarong Pambansa sa Tarlac Recreation Park nagkalat ang mga poster, banner at streamers ng mga kandidato sa lokal at pambansang halalan.

Sa opening day naman kamakalawa ng Palarong Pambansa ay nagkalat ang supporters ni Sen. Richard Gordon na kung saan namigay ng mga pamaypay na karton na may mukha at pangalan ng senador na kumakandidatong presidente.

Sa Tarlac National Highschool ay may isang malaking streamers si Liberal Party standard bearer Noynoy Aquino na bumabati sa mga kalahok ng Palarong Pambansa.

vuukle comment

LIBERAL PARTY

MULA

NOYNOY AQUINO

PALARONG PAMBANSA

PAMBANSA

RICHARD GORDON

SA TARLAC NATIONAL HIGHSCHOOL

SAN JOSE

SINAMANTALA

TARLAC RECREATION PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with