^

Bansa

Senior Citizens bill di pa nakikita ni GMA

-

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Malacañang na walang dapat ipag-alala ang mga lolo at lola kaugnay sa Expanded Senior Citizens bill na nagsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola, Maynila kahapon.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar sa isinagawang media briefing sa Malacañang na hindi pa nakakarating kay Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo ang ina­prubahang Expanded Senior Citizens bill.

Ayon kay Under­sec­retary Olivar, sa san­daling makarating kay Pangulong Arroyo ang kopya ng ina­pru­ bahang panukalang batas ay pag-aaralan niya ito.

Aniya, walang katoto­ha­nan ang akusasyon ng oposisyon na walang pag­mamalasakit ang Pangulo sa mga elderly dahil la­mang sa paratang na walang balak na lagdaan ni PGMA ang Expanded Senior Citizen Act.

Wika pa ni Olivar, wala pa sa Pangulo ang kopya ng inaprubahang bill kaya hindi pa ito mapag-aralan ng Office of the President.

Idinagdag pa ng opis­yal, sa sandaling makara­ting sa tanggapan ng Pangulo ang kopya ng Expanded Senior Citizen bill ay titimbangin ito ng Pa­ngulo bago ito magdesis­yon na para sa ikabubuti ng lahat. (Rudy Andal)

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN GARY OLIVAR

EXPANDED SENIOR CITIZEN

EXPANDED SENIOR CITIZEN ACT

EXPANDED SENIOR CITIZENS

MALACA

OFFICE OF THE PRESIDENT

OLIVAR

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with