220 caravan ng relief goods tutulak ngayon sa Bicol
December 12, 2006 | 12:00am
Aabot sa 220 sasakyan na naglalaman ng tone-toneladang relief goods at medical supplies ang aalis ngayong araw sa Maynila para mag-convoy patungong Bicol Region upang ipamahagi sa mga residente na naapektuhan ng super bagyong Reming.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, ang caravan na binansagang "Malacañang to Mayon Mercy Mission" ay magkakaroon ng send-off sa Diosdado Macapagal blvd. sa Pasay City sa alas-10 ng umaga kung saan si Pangulong Arroyo ang mangunguna rito.
Ang bulto ng relief at medical assistance ay ihahatid sa Camarines Sur, Catanduanes at Albay na grabeng hinagupit ni Reming.
Sa kasalukuyan, may 15,400 pamilya pa o kabuuang 80,000 katao ang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa Bicol. (Joy Cantos/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended