^

Bansa

25,000 patay sa lindol!

- Ni Ellen Fernando -
Umaabot na sa mahigit 25,000 katao ang iniulat na nasawi sa pinakamatinding lindol na tumama sa mga bansang Pakistan, India at Afghanistan na may lakas na 7.6 magnitude sa Richter Scale kamakalawa.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), wala pa namang Pinoy ang naireport na kabilang sa mga nasawi o nasugatan, subalit inatasan na ni DFA spokesman Gilbert Asuque ang ating mga embahada sa mga bansang apektado na magmonitor.

Base sa report, naging grabe ang pinsala ng lindol ng magkaroon ng serye ng mga after shocks na rumehistro ng 6.3 magnitude at tumama sa Kashmir, Pakistan; Bangladesh at Kabul, Afghanistan at New Delhi sa India. Bunsod nito kaya umabot sa 2,700 gusali, commercial centers at mga kabahayan ang bumagsak.

Sa Pakistan ay umaabot sa 50 porsiyento ng mga gusali sa bayan ng Kashmir ang napinsala.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa 41,000 na ang sugatan at posibleng madag-dagan pa dahil naman sa pagguho ng ilang matataas na gusali at tahanan sa Islamabad sa Pakistan.

May 100 katao pa ang na-trap sa mga gumuhong building sa India

Samantala, umapela na sa international community si Pakistan Pres. Pervez Musharraf na agad namang tinugon ng United Nations, Bri-tain, Germany, Turkey at Japan na nagpadala na ng relief assistance habang nagbigay ng $100,000 emergency fund ang UN.

Pinplano na rin ng gobyerno ng Pilipinas na magpadala ng medical team sa Pakistan, ang pinakamatinding tinamaan at pinakamaraming bilang ng mga namatay na nasa 18,000.

vuukle comment

BRI

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GILBERT ASUQUE

NEW DELHI

PAKISTAN PRES

PERVEZ MUSHARRAF

RICHTER SCALE

SA PAKISTAN

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with