^

Bansa

Christmas party gawing simple

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Palasyo ng Malakanyang ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na maging simple sa pagdiriwang ng pasko.

 

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, na hanggang ngayon ay umiiral pa rin ang austerity measures ng gobyerno na dapat ipatupad.

Paliwanag ni Castro, dapat ang mga Christmas parties na kahit hindi ipag-utos ay dapat maging simple dahil mas marami pa tayong kakaharapin na mga isyu na dapat matugunan.

“Hanggang ngayon po nandoon pa rin ang austerity measures na dapat ipinatutupad. Kaya ang dapat na mga Christmas parties ay hindi man natin ipag-utos, pero ang reminder is dapat na maging simple dahil mas marami pa tayong kakaharapin na mga issues na dapat na matugunan,” pahayag pa ni Castro.

Ang pahayag ng opisyal ay sa gitna ng mga inaasahang epekto ng Super El Niño sa bansa na kasalukuyang nararamdaman na sa ibat ibang panig ng bansa.

CLAIRE CASTRO

PALASYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with