^

Bansa

Brodkaster todas sa ambush

-
Pinagbabaril ng malapitan hanggang sa mapatay ang isang beteranong komentarista/kolumnista ng dalawang di nakikilalang suspek habang papasakay sa kanyang sasakyan papasok sa kanyang programa sa radyo kahapon ng umaga sa Barangay Oro Site, Legazpi City.

Hindi na umabot ng buhay sa Tanchuling Hospital ang biktimang si Rowell Endrinal, 45, may asawa, kilala sa alyas na "Mr. Guapo" at blocktime broadcaster ng Filipinas Broadcasting Network ng lokal na radio station DZRC sa naturang lungsod. Nagtamo ito ng walong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-6 ng umaga ilang metro ang layo sa bahay ng biktima. Bigla na lamang sumulpot ang mga salarin na armado ng kalibre .45 at 9mm at sunud-sunod na pinaputukan si Edrinal saka nagsitakas.

Nabatid na ang dalawang suspek ay matagal ng naghihintay sa labas ng bahay ng biktima at kumain pa ng pansit sa kalapit na tindahan. Ilang araw na din umanong nakikita ang mga ito na umaaligid sa bahay ni Edrinal.

Ayon sa asawa ng biktima na si Mila, bago ang pamamaslang ay ilang araw ng nakakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay sa pamamagitan ng text sa kanyang cellphone ang biktima.

Pinaniniwalaang may kinalaman sa matitindi at walang takot nitong mga pagbatikos sa kanyang programa laban sa mga tiwaling pinuno sa kanilang lugar ang motibo sa pagpatay.

Bago ang pagpatay, naging kontrobersiyal si Endrinal dahil sa kanyang pagbanat sa jueteng sa kanilang lugar.

Si Endrinal ang provincial coordinator ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) sa Albay at publisher ng local weekly newspaper "Metro News."

Binuo na ang "Task Force Guapo" na siyang tututok at mag-iimbestiga sa kaso. (Ulat nina Ed Casulla at Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY ORO SITE

ED CASULLA

EDRINAL

FILIPINAS BROADCASTING NETWORK

JOY CANTOS

LEGAZPI CITY

METRO NEWS

MR. GUAPO

PUBLISHERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES INC

ROWELL ENDRINAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with