^

Bansa

FATF sanctions magpapataas ng bayad sa OFW remittances

-
HONG KONG - Nagbabala ang mga Pilipinong bankers dito na ang halaga ng pagpapadala ng pera ng mga manggagawang Pilipino mula sa Hong Kong (HK) Special Administrative Region ay dodoble kung hindi papaspasan ng pamahalaan ang pagsunod sa mga tuntunin ng Financial Action Task Force.

Ayon kay Danilo Flores, general manager at country head ng Philippine National Bank (PNB) sa HK, ang bayad sa pagpapadala ng pera ay maaring tumaas hanggang HK$40 o P160 mula sa dating HK$20.

Sinabi rin ni Flores na sinabihan na nila ang mga kliyenteng Pilipino ng PNB-HK na ang padala ay maaring maantala ng ilang araw.

Sumang-ayon dito si RCBC general manager for telemoney HK Victor Baldoza na nagsabing dahil sa mga kakulangan sa Anti-Money Laundering Law (AMLA) ay tatagal at hihirap ang documentation. "Dadami kasi ang papeles na dapat tapusin at nariyan pa ang mga clearances na magpapatunay na legal ang transaksiyon, magiging mahirap sa mga Pilipino dito sa HK magpauwi ng pera."

Nang magpatong ng sanctions ang FATF sa Ukraine at Nauru, napilitan ang mga bangko sa dalawang bansa na bumalik sa manual processing ng mga dokumento, habang ang buong mundo ay naka-online na.

Kung mangyayari ito sa Pilipinas, kahit malapit pa dito ang HK, maaantala at hihina ang pagpapadala ng pera at mga transaksiyon ng HK sa bansa.

Mga 153,000 overseas Filipino workers (OFW) ngayon ang nasa HK at lahat sila ay sa banko nagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya.

vuukle comment

ANTI-MONEY LAUNDERING LAW

AYON

DANILO FLORES

FINANCIAL ACTION TASK FORCE

HONG KONG

PHILIPPINE NATIONAL BANK

PILIPINO

SPECIAL ADMINISTRATIVE REGION

VICTOR BALDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with