Pagbitay sa Aug.30 ipinagpaliban
August 24, 2002 | 12:00am
Dahil sa kaarawan ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin, nagpasya ang Malacañang na ipagpaliban muna ang pagbitay sa isang death convict na nakatakdang turukan ng lethal injection sa darating na Agosto 30.
Gayunman, nilinaw ni Press Secretary Ignacio Bunye na matutuloy din ang pagpapatupad ng parusang kamatayan kay convicted rapist Rolando Pagdayawon at maaantala lamang ito ng ilang araw o isang linggo.
Sa Agosto 31 magdiriwang ng kaarawan ang cardinal.
Si Pagdayawon ang una sa pila ng mga bibitayin, subalit maaaring ilipat ang takdang araw ng pagbitay dito at unahin ang convicted kidnapper.
Ang hakbang na ito ng Palasyo ay tumutugma naman sa naunang inihayag ni Pangulong Arroyo na nais niyang masampolan ang mga kidnapper upang mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad.
Samantala, hindi pipigilan ng Malacañang ang isinusulong sa Kongreso na ibasura ang death penalty law. Rerespetuhin ng Palasyo anuman ang desisyon nito. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended