^

Bansa

Bitay kada linggo sa drug lord

-
Hiniling kahapon ni Senator Ramon Revilla Sr. na upang makamit ang nilalaman ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo na madurog ang mga kriminal, dapat ay linggo-linggong may isalang na convicted drug lord sa lethal injection chamber upang maging signal na desidido ang gobyerno na bigyang wakas ang problema sa droga sa bansa.

Sinabi ni Sen. Revilla, makakamit lamang ang "strong republic" sa inihayag ni Pangulong Arroyo kung sisimulan na nating isalang sa bitayan ang mga convicted drug lords, dayuhan man o Pinoy.

Ayon kay Revilla, mula ng maibalik ang parusang bitay sa pamamagitan ng lethal injection ay wala pa tayong naisasalang na convicted drug lord mula noong 1994 kaya dapat ay simulan na nating isalang ang mga drug traffickers na ito sa bitayan linggo-linggo.

Aniya, tulad ng ginawang execution sa drug lord na si Lim Seng noong panahon ng Martial Law, iniwasan ng mga dayuhang drug traffickers ang ating bansa dahil nakita nilang seryoso ang gobyerno na bitayin ang mga nahuhuli at napapatunayang drug lord.

Wika pa ni Revilla, may anim na bigtime drug traffickers ang nag-ooperate sa bansa at ito’y ang Sun Yee On Triad, Wo Group na Hong Kong-based, 14 K Triad, Big Circle Gang na nakabase sa mainland at ang Ghost Shadows Triad na nakabase sa US. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BIG CIRCLE GANG

DRUG

GHOST SHADOWS TRIAD

HONG KONG

K TRIAD

LIM SENG

MARTIAL LAW

PANGULONG ARROYO

REVILLA

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with