^

Bansa

Ebidensiya ihaharap ngayon

-
Inaasahan ng Senado na maghaharap ngayon ng mga karagdagang ebidensiya at iba pang surprise witness ang kampo ni ISAFP Chief Col. Victor Corpus upang suportahan ang alegasyon laban kay Lacson sa pagpapatuloy ng ikatlong Senate inquiry ngayong umaga.

Hindi dadalo sa hearing si Lacson, pero inaasahan ang pagsipot ni Mary Ong alyas Rose Bud kasama ang mga umano’y Chinese na nagmula sa Hong Kong at China na naging biktima ng kidnappings.

Ayon kay Senator Robert Barbers, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs, siniguro ng kampo ni Corpus na makapaghaharap na sila ng mga ebidensiya para suportahan ang kanilang alegasyon na money laundering, kidnap-for-ransom, smuggling, summary executions at iba pa laban kay Lacson.

Sinabi ni Barbers na hanggang mayroong maihaharap na karagdagang ebidensiya ang kampo ni Corpus at mahalaga sa pagdinig ng komite ay itutuloy nito ang inquiry upang hindi sila mapulaan na nais nilang ihinto ito para pagtakpan ang kapwa nila mambabatas na tinutukoy sa imbestigasyon. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

CHIEF COL

HONG KONG

INAASAHAN

LACSON

MARY ONG

ROSE BUD

RUDY ANDAL

SENATOR ROBERT BARBERS

VICTOR CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with