^

Bansa

Senado handa nang gisahin si Ping

-
Sisimulan na ng Senado ang imbestigasyon kaugnay sa mga akusasyon laban kay Senator Panfilo Lacson dahil sa umano’y hidden wealth nito at pagkakasangkot sa iba’t ibang kriminalidad.

Ayon kay Senate Franklin Drilon, magsasagawa ng joint hearing ang Senate Committees on Public Order and Illegal Drugs na pamumunuan ni Senator Robert Barbers at Blue Ribbon na pamumunuan naman ni Senator Joker Arroyo kaugnay sa dalawang resolusyon na humihiling na imbestigahan si Sen. Lacson para magkaroon ito ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanyang sarili kaugnay sa ibinabato ditong mga akusasyon.

Sinabi pa ni Sen. Drilon, hindi na kailangan pang magkaroon ng leave of absence si Lacson habang nagsasagawa ang imbestigasyon ang Senado laban sa kanya dahil wala namang nakasaad sa rules ng Mataas na Kapulungan hinggil dito.

Aniya, sa pagsasagawa ng pagdinig sa joint committee na ito ay magkakaroon ng sapat na pagkakataon si Lacson upang ipagtanggol ang kanyang sarili matapos itong akusahan ng kanyang mga kritiko na may kinalaman umano sa malawakang krimen nang ito ay namumuno pa bilang PNP chief at ang pagkakaroon nito ng mga hidden wealth sa US, Canada at HK.

Idinagdag pa ng pangulo ng senado na mismong si Lacson ang nagbanggit sa privilege speech nito kamakalawa na handa siyang humarap sa isasagawang imbestigasyon upang linisin ang kanyang pangalan sa mga ipinupukol ditong akusasyon.

Inakusahan si Lacson nina ISAFP chief Col. Victor Corpus, Mary Ong alyas Rose Bud at columnist na si Mon Tulfo na mayroon umanong hidden wealth at sangkot sa malawakang kidnapping, drug trafficking at pagpatay sa mga kilalang personalidad. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BLUE RIBBON

DRILON

LACSON

MARY ONG

MON TULFO

ROSE BUD

RUDY ANDAL

SENADO

SENATE COMMITTEES

SENATOR JOKER ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with