^

Bansa

4 Sayyaf todas sa encounter

-
Apat na miyembro ng Abu Sayyaf ang napatay sa isang mahabang engkuwentro sa pagitan ng humahabol na militar na nagsimula kamakalawa ng gabi at nagpatuloy hanggang kahapon sa lalawigan ng Basilan.

Nakilala ang mga nasawi sa mga pangalang Akmad, Latip, Talipa at Angga samantala sa pitong nasugatang bandido ay isa ang nakilalang si Mustapa Abdullah alyas Boy Wong.

Unang naganap ang engkuwentro dakong alas-9 kamakalawa ng gabi sa Fuente Igas, Bgy. Masola, Isabela kung saan isang running gunbattle ang naganap sa pagitan ng mga bandido at elemento ng 103rd Brigade ng Army.

Kahapon ng umaga sa isang military checkpoint sa Bgy. Mabaracat, Isabela ay nakipagbarilan pa umano si Wong matapos itong mahuli sakay ng pedicab.

Kinumpirma ni Basilan PNP provincial director Col. Akmadul Pangambayan na si Wong ay isang ransom courier at supplier ng shabu, pagkain at iba pang pangangailangan ng Abu Sayyaf sa Basilan at intelligence officer din ng naturang grupo. Dati umano itong Kristiyano na nagpabinyag sa relihiyong Islam. "Nagpanggap siyang pedicab driver para hindi mahalata. Matagal na namin siyang sinusubaybayan dahil nasa PNP Order of Battle (OB) siya," wika ni Col. Pangambayan. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AKMADUL PANGAMBAYAN

BASILAN

BGY

BOY WONG

FUENTE IGAS

ISABELA

JOY CANTOS

MUSTAPA ABDULLAH

ORDER OF BATTLE

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with