^

Dr. Love

‘Sariling sikap’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Labin-limang taon na ang relasyon namin ni Marlo, pitong taon kaming steady bago nagpas­yang magpakasal at ngayon ay magdadalawa na ang aming anak.

Nakatakda po akong manganak sa darating na Abril. Ang gumugulo po sa isip ko ay ang naoob­serbahan kong inaasal ni Marlo, na hindi ko nakita sa matagal naming relasyon.

Makailang ulit ko nang natityempuhan ang pa­nonood niya sa mga iba’t ibang porn site. Madalas ay nakatalukbong siya sa aming kama at may pakiramdam akong nagpaparaos siyang mag-isa.

Kapag iniisip ko ay hindi ko mapigilang mandiri, Dr. Love.

Mahal ko siya at sigurado ako roon. Wala naman akong problema sa pagiging padre de pamilya niya. Ang kinatatakot ko ay baka may kung anong nakakaimpluwensiya sa kanya na makapagdulot ng pagkalito niya sa kanyang pagkatao.

‘Di po ba may mga kilalang tao na may pamilya pero nakakaranas sa sexual preference? Ayaw ko po na magkaganon ang asawa ko. Gusto ko po siya kausapin para tanungin tungkol sa malimit kong mapansin sa kanya, pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Isa pa kinakabahan ako sa pwede kong malaman. Tulungan po ninyo ako, Dr. Love.

Maraming salamat at Manibagong Baong Taon sa inyong lahat dyan sa Pilipino Star NGAYON.

Lulu

Dear Lulu,

Sa tingin ko, hindi sexual preferences ang problema ng asawa mo. Dahil ikaw ay nasa iyong kaselanan ng pagdadalantao, maaaring dumaranas nang pangamba ang iyong asawa kung nanaisin niyang magsiping kayo…alam mo na, baka bumuka nang ‘di oras ang iyong sinapupunan ay lumabas ang baby nang hindi pa panahon. Maraming kalalakihan ang dumarating sa ganyang estado kapag buntis si misis.

Para sa akin, mas ok na ang magsariling sikap kaysa maghanap sa iba na nagiging mitsa nang pagkawasak ng pamilya. Gayunman, para sa iyong kapanatagan ay subukan mong lambingin ang iyong mister at saka i-open ang bumabagabag sa’yo.

Happy New Year din sa’yo at congrats in advance ha. God bless you!

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with