^

PSN Palaro

Cignal nagpasolido sa No. 2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinasadsad ng Cignal HD ang Racal Motors, 93-75 para hablutin ang kanilang ikalimang panalo sa 2017 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naipako ng Hawkeyes ang 21 puntos na abante sa second quarter, 42-21 na lumobo pa sa 23 (59-36) sa ikatlong kanto.

Nagawa itong tapyasin ng Alibaba sa anim na puntos, 66-72 mula sa fastbreak ni Rian Ayonayon, may anim na minuto pang nalalabi.

“I’m happy that we won this one. Still, I hate the way we played in the third quarter and it seemed like we didn’t know how to play basketball, with us giving up so many points and so many turnovers,” ani Cignal coach Boyet Fernandez.

Subalit iyon na lamang ang nakayanan ng Racal matapos maglatag ng ma­tinding depensa ang Cignal para makuha ang panalo.

 Nagtala si Davon Potts ng 15 points, tatlong assists at dalawang rebounds habang nagdagdag si Jason Perkins ng 14 markers tampok ang 2-of-5 sa three-point area kasama pa ang apat na boards.

Kumana naman si Pam­boy Raymundo ng dou­ble-double na 10 points, 10 assists at apat na rebounds habang may sariling double-double si Raymar Jose ng 10 mar­kers at 11 boards.

Umangat sa ikalawang puwesto ang Hawkeyes tangan ang 5-2 marka sa ilalim ng nangungunang  Flying V na may 3-0 baraha.

 Sa unang laro, naibato ni John Ambulodto ang game-winning basket para dalhin ang Wangs Basketball sa 88-86 panalo laban sa Gamboa Coffee Mix.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with