^

PSN Palaro

Junior Altas handa nang idepensa ang Palaro title

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Handang-handa na muling idepensa ng defending champion University of Perpetual Help Altalettes ang high school volleyball crown sa darating na 60th Palarong Pambansa na gaganapin ngayong Abril 23 hanggang 29 sa San Jose de Buenavista, Antique.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na sasabak ang Perpetual Help Altalettes sa volleyball event ng taunang Palaro, ang una ay sa nakalipas na taon kung saan hi­na­blot nila ang titulo sa 59th Palarong Pambansa na ginawa sa Legazpi City, Albay.

Nakamit ng three-peat NCAA champion Perpetual Help Altalettes ang karapatang kumatawan para sa National Capital Region (NCR) sa Palaro  matapos gapiin ang karibal na National University Bullpups sa five sets sa ginawang NCR Regional Palaro Qualifying noong Pebrero 20 sa Marikina City.

Nanatiling malakas ang kumpiyansya ng Altalettes na mauwi ulit ang titulo sa high school boys volleyball. Tinalo nila ang Western Visayas sa finals para agawin ang titulo sa 2016 edisyon.

Kinumpirma ni UPH Las Piñas City campus president  Anthony Moran Tamayo ang pagsali muli ng koponan sa darating na Palarong Pambansa.

Kabilang sa koponan sina EJ Casana, Ivan Encila, Noel Kampton, Jody Severo, Kirth Rosos, Ryuji Etorma, Vince Lorenzo, Carlo Isidro, Audie Hidalgo, Vergel Golloso at Clark Fernandez at Wesley Cajolo mula sa FEU Baby Tamaraws.

Ang Caviteñong sina head coach Sandy Rieta at assis­tant coach Jason Sapin pa rin ang aagapay sa mga Altalettes. 

Mahigit 10,000 atleta at mga opisyales ang inaasa­hang sasabak sa kumpetisyon mula sa 18 rehiyon sa buong bansa kung saan ang NCR ang reigning champion sa elementary at high school competitions.

Bukod sa volleyball, ang iba pa sa 18 re­gu­lar sports na paglalabanan ay ang archery, arnis, aquatics, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, football, futsal, gymnastics, sepak-takraw, softball, table tennis, taekwondo at lawn tennis.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with