15 testigo, hindi na ihaharap ng prosecution sa Senate court

MANILA, Philippines — Napagdesisyonan ng House prosecution panel na hindi na ipiprisinta sa Senate impeachment court ang natitirang 15 testigo mula sa 27 para sa Article 1 ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
“After a long meeting last night and towards this morning, just before this hearing, the prosecution, both public and private prosecutors, have decided to...forego, your honors, not only with the witnesses subpoenaed for today, but with all the remaining 15 witnesses,” pahayag ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan sa ika-23 araw ng paglilitis.
Sinabi ni Kapunan na nasa sampung testigo na ang naiprisinta ng prosecution sa Article 1 o ang confidential funds sa Senate impeachment court.
Ayon kay Kapunan ang istipulasyon sa dalawa pang testigo ay hindi nangangailangan ng personal na pagdalo ng mga ito sa pagdinig.
Dahil dito ay nasa 15 testigo ang kabuuang hindi na ipriprisinta sa ilalim ng Article 1 hinggil sa umano’y hindi wastong paggamit ng P612.5 milyong sa paggamit ng confidential funds.
Kabilang sa tatlong testigo ay sina P/Major Jovelyn Magay, Sunshine Fajarda, at Bresildo Sabaldan.
Binigyang diin ni Kapunan na ang mga ebidensyang naiprisinta ay tumutumbok kay VP Duterte na siyang dapat sumagot sa lahat ng katanungan.
Si Kapunan ay gumamit ng mga analohiya kung saan isinalarawan nito si VP Duterte bilang reyna at ang mga testigo bilang ibang piraso na konektado sa respondent.
- Latest




















