Caidic, 3 points!
Walang kupas si Allan Caidic.
Long retired na sa PBA. Pero sa edad na 63, akala mo eh 23 lang kung kumana.
Considered na best pure shooter in PBA history, naglaro si Caidic sa isang exhibition game ng PBA Legends sa Batangas last week.
Showtime!
Umiskor si idol ng 66 points kabilang ang 22 three-point shots.
Partida na dahil sa second and third quarters lang siya naglaro. Kung hindi, baka na-break ang record ni Tony Harris.
Napanood ko ang highlights ng game sa Facebook. Lahat ng sulok, tinirahan.
Halos hingalin si Allan sa court. Pero kada tira, swak sa balde.
Parang walang nagbago sa pulso ng PBA superstar na nakoberan natin nung early 90s.
Siya ang single-game record-holder sa PBA locals sa scoring: 79 points at 17 triples nung 1991.
Simula na pala this week ang basketball sa Asian Games kung saan tayo ang defending champion.
Sayang.
Baka pwede pa si Allan.
- Latest





















