^

PSN Palaro

Oftana pasok sa Gilas Final 12

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Oftana pasok sa Gilas Final 12
Gilas Pilipinas forward Calvin Oftana.
FIBA

MANILA, Philippines — Walang Justin Brownlee na masisilayan para sa Gilas Pilipinas na dedepensahan ang korona sa 2026 Asian Games na magsisimula na sa Biyernes sa Nagoya, Japan.

Kaya naman ipapasok sa lineup si Calvin Oftana upang maging ika-12 mi­yembro ng Gilas Pilipinas sa Asian Games.

“Calvin was always on the list to play, but we were uncertain of his health status. He has since returned to TnT’s practice and is good to go,” ani Cone.

Nakalaan sana ang huling silya sa Final 12 ng Gilas Pilipinas kay Brownlee o kay Kai Sotto.

Ngunit parehong hindi maglalaro sina Brownlee at Sotto na may kani-kanyang kadahilanan.

Kasalukuyang nagpapagaling sa injury si Brownlee sa Amerika ha­bang may inaasikaso naman si Sotto para sa kanyang pangarap na makapaglaro sa NBA.

Dumating na si Oftana sa Japan para makasama ang Gilas Pilipinas.

Hindi naman magiging mahirap para kay Oftana na mag-adjust dahil na­ging bahagi na ito ng Gilas sa mga nakalipas na windows.

“Because of the system we are running and his previous experience in the window teams, he’s a plug and play player and will fit right in,” ani Cone.

Hindi nakapaglaro si Oftana sa second round ng FIBA World Cup Asian Qualifiers dahil sa injury.

Subalit nakarekober na ito at handang tulungan ang Gilas sa kampanya nito sa Asian Games.

Malaking tulong si Oftana lalo pa’t nagpalakas ang mga Asian teams kabilang na ang Bahrain na u­nang makakalaban ng Gilas bukas (Biyernes).

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with