^

Bansa

Robredo una na sa SWS survey

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanguna na si Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo sa bagong survey ng Social Weather Stations.

Sa SWS survey na ginawa mula April 18 - 20 at may 1,800 respondents, nakakuha si Robredo ng 26 percent habang si Sen. Ferdinand Marcos Jr. ay may 25 percent. 

Nakakuha si Robredo ng dagdag na pitong puntos mula sa huling survey na ginawa noong March 30 hanggang April 2.

“Kailangan nating i-maintain iyong lead kaya ipinagdadasal natin na iyong 14 days enough para ma-maintain natin iyon,” wika ni Robredo sa isang pa­nayam sa radyo.

Ikatlo si Sen. Chiz Escudero na may 18 percent habang sina Sens. Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes at Gregorio Honasan ay may 18, 5 at 2 percent.

Ayon sa political science professor na si Edmund Tayao, ang pagtaas ni Robredo ay dahil sa maganda niyang performance sa mga nakaraang debate at sa epek­tibong strategy ng kanyang kampanya.

Sa Bilang Pilipino-SWS mobile survey na ginawa pagkatapos ng ikalawang debate noong April 17, 33 porsiyento ng tinanong ay nagsabing si Robredo ang nagwagi.

Kilalang abogado ng mahihirap, nagbigay si Robredo ng libreng serbisyong legal sa mahihirap na sector ng lipunan, kabilang ang magsasaka, mangingisda at inaabusong kababaihan sa mahabang panahon bago naging mambabatas.

Samantala, napanatili ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pangunguna.

Lumayo na ang agwat ni Duterte kay Sen. Grace Poe. Nakakuha si Duterte ng 33 percent habang 26 percent si Poe. Ginawa ang survey matapos ang kontrobersyal na ‘rape joke’ ni Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with