^

Bansa

AFP nagpaliwanag sa sirang combat boots

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagpaliwanag kahapon si Armed Forces of the Philippines spokesperson Brig. Gen. Domingo Tutaan sa napaulat na sirang combat boots ng mga sundalo ng AFP na napapasabak ngayon sa kaguluhan sa Zamboanga City.

Ayon kay Tutaan na dumalo sa budget hearing sa Senado, iisang sundalo lamang naman ang nakuhanan ng larawan na may sirang combat boots gayong marami namang sundalo ang maayos ang suot.

Ipinaliwanag pa nito na may mga sundalong ayaw talagang magsuot ng bagong combat boots dahil hindi sila komportable dito kaya mas pinipili nila ang kanilang mga lumang boots.

Ibinigay na halimbawa nito ang kanyang sarili na mas gugustuhin umanong magsuot ng combat boots na komportable sa kanya kaysa sa magsuot ng brand new na sapatos.

“I myself sinasabi natin when I’m in a combat situation I would wear something comfortable I cannot wear  a brand new shoes or a branded shoes on such tapos kapag nagkaputukan hindi ako makagalaw,” sabi ni Tutaan.

May mga sundalo rin umanong sumusunod sa pamahiin kung saan ang kanilang lumang combat boots ay ipinalalagay na “lucky boots” lalo na’t nakaligtas sila sa isang ambush habang suot ito.

Kahit umano ang mga atleta ay may itinuturing ding mga lucky shoes kaya kahit luma na ay iyon pa rin ang mas gusto nilang gamitin kapag lumalaban.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BOOTS

COMBAT

DOMINGO TUTAAN

IBINIGAY

IPINALIWANAG

TUTAAN

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with