^

True Confessions

Suklam (51)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“ALAM kong malawak ang pang-unawa mo Brent kaya sa’yo ako humihingi ng payo,’’ sabi ni Julio. “Pa­sensiya ka na ha?’’

“Okey lang Julio. Natutuwa nga ako at pinagkakatiwalaan mo. Ikaw pa lamang ang tanging tao na lumapit sa akin para makipagkaibigan at ngayon naman ay hinihingi mo ang payo ko para sa anak mo.’’

“Nakita ko kasing matutulungan mo ako sa mabigat na problemang ito. Sangkot ang anak ko rito. Tiyak itatanong niya sa akin sa mga susunod na araw kung nasaan ang mommy niya. Mahilig siyang magtanong at sigurado ako, itatanong niya kung bakit wala ang kanyang mommy. Paano ko siya sasagutin?’’

“Sabihin mo nang unti-unti sa kanya, Julio. Huwag mong bibiglain para hindi siya maguluhan. Mahirap sabihin ang nangyari pero ‘yun ang dapat sabihin. Mas mauunawaan niya kung malalaman ang lahat kaysa itatago.’’

Napatitig si Julio kay Brent. Parang naliwanagan sa mga sinabi ni Brent.

“Gagawin ko ang mga sinabi mo Brent. Palagay ko tama ka—hindi dapat itago ang katotohanan.’’

“Mas masuwerte pa nga kung tutuusin ang anak mo dahil hindi niya nasaksihan ang nangyaring kataksilan. Alam mo bang may mga bata o mga anak na lantarang nakita ang kataksilan ng kanilang ina? Mahirap ‘yun dahil nakatatak sa isipan ang kataksilan o pangangalunya. Nakakasuklam!’’

“Bakit mo nasabi ‘yan, Brent?’’

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with