^

True Confessions

Suklam (27)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAILANGAN kasi na makaranas ka naman ng maalwang buhay Tatay. Matagal ka ring nagtiis. Nga­yong kumikita na ako ay dapat namang makatikim ka ng ginhawa. Puro hirap at sama ng loob ang dinanas mo nun. Noon pa awang-awa na ako sa’yo kaya naipa­ngako ko, na ibibigay ko sa’yo ang kaginhawahan na mata­gal ding ipinagkait. Bukod pa nga sa mga naranasan mong sama ng loob nun,’’ sabi ni Brent sa seryosong boses.

Napabuntunghininga lamang ang kanyang tatay.

Pagkaraan ay iniligpit na nito ang kahon na pinaglagyan ng washing machine. Ipinuwesto ni Brent ang washing machine malapit sa comfort room. Kasyang-kasya sa sulok.

Maya-maya, dumating na ang bunsong kapatid ni Brent na si Franz.

“Uy bago na naman ‘yan ah!’’ sabi ni Franz nang makita ang washing machine.

“Hindi na mahihirapan si Tatay sa paglalabas. Ang dami mo raw kasing labahin, ha-ha-ha!’’

“Mas marami ka kaya?’’

“Kaya bukas, tulungan mo si Tatay. Sabi ko mabilis lang namang pag-aralan ito—pindut-pindot lang,’’ sabi ni Brent.

“Ako na ang magtuturo kay Tatay, Kuya.’’

“Sige, Franz.’’

“Sa sunod anong bibilhin mo Kuya?’’

“Gas range.’’

“Wow!’’

Nang tingnan ni Brent ang kanyang tatay ay nakangiti ito. Nalilimutan na ang pait ng kahapon.

 

SABADO. Overtime si Brent. As usual, nag-“overtime” rin si Vivian. Hindi na kasama ni Vivian ang asawang si Julio. Maaaring nasa ibang bansa kasama ng boss na congressman.

After lunch, nakita ni Brent na magkasunod na lumabas sina Vivian at Oscar sa stockroom. May ginawa na namang “milagro” ang dalawa.

Nakadama na naman siya ng awa kay Julio.

Gusto niyang isumbong na kay Julio ang ginagawang kataksilan nina Vivian at Oscar.

Tatawagan niya si Julio.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with