^

True Confessions

Dioscora (156)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Ang babaing hindi niya malilimutan

“Ang akala ko po, Tatay SP, kasing-age ko ang anak mong si Nicodemus. Fifty years old na pala siya,’’ sabi ni JC na hindi makapaniwala.

“May pamilya na rin siya.’’

“Mayroon po siyang anak?’’

“Oo. Babae.’’

“Ang wife po ni Nicodemus?”

Pero sa halip na sagutin ni Tatay SP ang tanong ni JC, iba ang sinabi nito.

“Napakaganda ng apo ko. Mabait pa. Siya lang naiwang alaala ng anak kong si Nicodemus. Sa ibang bansa ko siya pi­nag-aaral. Sabi ko sa aking­ apo, mag-aral na ma­buti. At sinusunod niya ako. Nangu­nguna siya sa klase. Sabi niya sa akin, gusto raw niyang magtrabaho sa kompanya naming para magkaroon ng karanasan. Pero sabi ko, huwag na dahil ayaw ko siyang bigyan ng problema. Sabi ko manatili na lang siya sa ibang bansa.’’

Nagpatuloy pa si Tatay SP. Nagtataka si JC kung bakit walang sinasabi si SP ukol sa manugang­ niya o asawa ni Nicodemus,

(Itutuloy)

vuukle comment

BABAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with