^

True Confessions

Ganti (34)

- Ronnie M. Halos -

NAGTATAKA na si Lea kay Lorena pero dahil sa sinabing ihahanap ng trabaho ay sumunod siya. Pero bago siya umakyat sa second floor ay tiniyak muna niyang walang iuutos ang among babae na noon ay abalang-abala sa pagkukuwenta habang nasa harap ng kaha. Kapag ganoong abala ang among babae ay hindi nito magagawang makapanakit ng tindera. Hindi niya basta maiiwan ang kaha na marami nang laman.

Pagkaraang matiyak na hindi siya hahanapin ng amo ay nilapitan ang kapwa tindera at nagpaalam, “Iihi lang ako. Sandali lang ako.,” sabi niya. Tumango ang pinagpaalaman. Bago umakyat sa second floor ay tumingin muna si Lea kay Lorena.

Nagmamadali siyang umakyat. Pero nang nasa kalahati na siya ng hagdan ay nasalubong niya at nagmamadali ang among lalaki. Kinabahan siya. Gusto na niyang umatras.

“Saan ka pupunta?” tanong ng lalaking amo.

“Iihi lang po.”

“May tao sa kubeta. Balik sa baba! Balik!”

Atras si Lea. Takot na takot at nagmamadaling bumaba. Nasa hulihan ang among lalaki na nagmamadali rin.

Deretso si Lea sa puwesto. Hindi siya tumitingin sa kinaroroonan ni Lorena. Palilipasin muna niya ang ilang minuto bago ito lapitan. Pinalitan na ng among lalaki sa kaha ang asawa.

“Nasaan si Pau?”

Iyon ang narinig ni Lea na tanong ng among babae. Tiyak na nasa second floor si Pau. Baka nasa banyo. Sabi ng among lalaki, may tao raw sa banyo.

Patuloy ang among babae sa pagtatanong kung nasaan si Pau. Wala namang sumasagot.

At nakita ni Lea na nagmamadaling umakyat sa second floor ang among babae. Para bang alam nito kung nasaan si Pau. Kinabahan si Lea.

Hindi namalayan ni Lea, nasa tabi na pala niya si Lorena.

“Ano Lea, nasaan si Pau?”

Atubili si Lea. Natatakot siyang magsalita. Pero naalala niya ang pangako ni Lorena.

“Nasa banyo raw po, Mam Lory. Nasalubong ko yung amo kong lalaki at sinabing may tao sa banyo. Si Pau po sigurado ang nasa banyo.”

“Paano nalaman ng amo mong lalaki?”

“Hindi ko po alam, Mam Lory. Natakot ako kanina!”

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO LEA

BALIK

IIHI

LEA

LORENA

MAM LORY

NASA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with