^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib(101)

- Ronnie M. Halos -

“ANONG nangyari, Kuya?” tanong ni Mulong. Iniwan nito ang ginagawa sa aroskalduhan at su­munod kay Fred.

“Hindi ko nakita si Ganda. Nasunog ang res­taurant nila,” malung­kot si Fred.

Kinilabutan si Mulong.

“Sa palagay mo Kuya, kasama siya sa na­su­nog?”

“Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko, nakaligtas siya.”

“Iniimbestigahan na siguro ng mga bumbero ano Kuya?”

“Siguro, Mulong. Ka­nina nang umalis ako e malaki pa ang apoy. Ma­raming bahay ang na­damay sa Bilibid Viejo.”

“Malalaman na siguro bukas kung sino ang mga namatay.”

“Usapan na ang may-ari ng restaurant, anak at ilang bedspacers ang nasunog daw.”

Nanlumo si Mulong.

“Sige Kuya, lalabas lang,” paalam nito dahil ma­­raming kumakain sa aroskalduhan.

Naupo si Fred sa sopa. Pagod na pagod siya. Kung buhay si Ganda, na­saan ito? Naalala niya nang tawagan siya ni Ganda habang nasusunog ang restaurant. Takot na takot ito. Nasusunog daw ang restaurant. Malakas na malakas daw ang apoy. Baka naman may fire exit sa second floor at doon nagdaan si Ganda. Pero sa pagkakayari ng bahay, tila walang fire exit. Luma na ang bahay. Karamihan ay yari sa kahoy.

Pero malakas ang kutob ni Fred na nakaligtas si Ganda.

Kinabukasan, balita sa TV ang malaking sunog sa Bilibid Viejo. Sampu ang namatay. Karamihan ay hindi makilala dahil sa grabeng pagkasunog. Yung iba ay magkayakap na natagpuan. Yung iba ay natagpuan sa comfort room. Hinihinalang doon nagkulong para maiwasan ang apoy. Ayon sa imbes­tigasyon, walang fire exit ang bahay. Sumabog ang tangke ng LPG sa restaurant at mabilis na kumalat sa second floor ang apoy.

Ilang araw na ang naka­lipas ay tulala pa rin si Fred. Walang sigla. Si Mulong ang abala sa kanilang negosyo. Ito na rin ang mag-isang nama­malengke.

“Bahala ka na lang muna sa negosyo natin, Mulong. Parang wala pa akong gana.”

“Oo Kuya. Magpa­hinga ka na lang muna.”

“Mga ilang araw lang at manunumbalik din ang sigla ko.”

“Walang problema Kuya. Kaya ko naman ang trabaho.”

(Itutuloy)

vuukle comment

BILIBID VIEJO

KARAMIHAN

KUYA

MULONG

OO KUYA

PERO

SHY

SI MULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with