^

True Confessions

Apoy sa Balsa (84)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PAGDATING ni Kael para sunduin siya sa kanyang opisina, kinuha ni Rhea ang isang sobre at inilagay ito sa bag. Iyon ang kanyang resignation letter, ang kanyang huling hakbang upang ganap na magkaroon ng kontrol sa kanyang career maitayo ang matagal na niyang pinapangarap na sariling independent production house.

“Handa ka na ba?” tanong ni Kael kay Rhea.

Nagsimula silang maglakad palabas ng opisina. Sa gitna ng hallway, kung saan madalas silang mag-iwasan ng tingin noon, dahan-dahang inabot ni Kael ang kamay ni Rhea at pinagdaop ang kanilang mga daliri. Hindi ito nakatakas sa paningin ng mga tao sa ahensya.

Walang sinabing salita sina Kael at Rhea. Diretso lamang ang kanilang lakad papunta sa office ni Miss Agatha. Pagpasok dito, nanlaki agad ang mata nito.

“Rhea… and Kael? What can I do for you, guys?” tanong nito habang hindi maalis ang mata sa mga kamay nina Rhea at Kael na mahigpit na magkahawak.

“Miss Agatha, I’m here to give you my resignation letter.”

MAKALIPAS ang pitong taon...

Maliwanag ang mga ilaw sa grand ballroom ng pinakamalaking awards night sa bansa. Puno ang paligid ng mga mamahaling kasuotan, kumikislap na alahas, at mga flash ng camera.

Sa VIP table malapit sa entablado, nakaupo si Rhea. Ang dating simpleng Creative Director ay isa na ngayong kinikilalang Executive Producer at may-ari ng sarili niyang production and media agency.

Sa kanyang tabi ay nakaupo si Kael. Hindi na ma­aninag dito ang dating bagitong modelo na madaling manipulahin ng mga manager; isa na siyang kinikila­lang aktor at itinuturing na isa sa pinakamahuhusay at pinakarespetadong pangalan sa industriya.

“At ang nagwagi bilang Pinakamahusay na Aktor para sa taong ito...” sigaw ng presenter sa entablado. “Kael De Leon!”

Nagpalakpakan at hiwayan ang buong hall. Umalingawngaw ang kanyang pangalan. Bago tumayo si Kael, unang bagay na ginawa niya ay ang humarap kay Rhea, yumakap nang mahigpit, at humalik sa labi nito.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with