Apoy sa Balsa (Wakas)
UMAKYAT si Kael sa entablado nang may angking tindig at karisma. Pagkaabot sa kanya ng trophy, pinalakpakan siya ng buong bulwagan. Isa na rooon ang kanyang manager na si Frank at Winona na nakangiti mula sa audience.
Inayos ni Kael ang mikropono at tinitigan ang libu-libong taong nakatutok sa kanya, kasama ang milyun-milyong manonood sa live TV.
“Salamat sa parangal na ito,” simula ni Kael, maayos at may matinding kababaang-loob ang boses. “Unang-una sa lahat, maraming salamat sa Diyos. Salamat din sa mga fans ko, lalung-lalo na sa mga naniwala sa akin mula pa sa simula.”
Huminga siya nang malalim at dahan-dahang itinuon ang tingin sa kinaroroonan ni Rhea. Inangat ni Kael ang kaliwang kamay, kung saan kumikislap ang isang simpleng wedding ring sa kanyang daliri sa ilalim ng mga spotlight.
“Pero higit sa lahat, salamat sa babaing nagturo sa akin kung paano maging tapat na siyang nag-iisang may hawak ng aking puso.”
Natahimik ang buong ballroom. Nagkatitigan silang dalawa ni Rhea, na may mga luha ng kagalakan sa kanyang mga mata.
“Para sa ‘yo ang tropeyong ito, Rhea,” buung-buong pahayag ni Kael sa harap ng buong bansa. “Iniaalay ko ang aking talento sa publiko, ngunit ang buong buhay ko ay sa ‘yo lamang.”
Pumutok ang matinding palakpakan sa buong hall. Flash ng mga camera at hiyawan ang sumunod, ngunit para kina Kael at Rhea, nawala ang ingay ng mundo.
Habang bumababa si Kael sa entablado at inabot ang kamay ng asawa sa harap ng lahat, wala na silang kailangang itago. Ang dating lihim na pag-ibig na sinubukang sirain ng mga iskandalo at kontrata ay naging pinakamatatag nilang tagumpay.
Maaaring pagmamay-ari ng mundo ang aktor sa harap ng camera, ngunit magpakailanman, kay Rhea ang lalaki sa likod ng ilaw.
- Latest

















