^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-86 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

"NATATANDAAN mo nang una tayong magkita rito sa Batha?" tanong sa akin ni Ninang Joy nang patungo na kami sa Quiapo Shopping Center na nasa silong ng Batha Hotel.

"Oo naman," sagot ko.

"Sige nga, ano ‘yon kung natatandaan mo?" tanong niya na nakataas ang kilay.

"Bibili ako ng brief noon."

Napahagikgik si Ninang.

"Puro butas na kasi ang brief ko noon."

"Kasi, iisa lang naman yata ang brief mo."

"Hindi a."

"E bakit may mga butas na ang isinusuot mo?" tanong pa rin ni Ninang.

"Masyado kasing malaki…"

"Alin ang malaki?"

"Si ‘Birdie’?"

Napahagikgik si Ninang. Sinapo pa ang tiyan sa pagtawa.

"Kabisado mo na si ‘Birdie’ di ba?"

Lalong humagikgik si Ninang.

"Baka ka kabagan diyan."

"Kasi’y masyado kang bastos."

"Ano kayang bastos dun?"

"Yung dati mong siyota ganito rin ba kayo kasaya nun?"

"Oo. Ganito rin kami kung magbiruan."

"Sayang at madali siyang nawala."

"Natanggap ko na yon. Siguro talagang hanggang doon na lang siya. At saka siguro’y nangyari iyon para naman isilang ang isa pang pag-ibig."

"Wow ang talinghaga naman n’yan," sabi ni Ninang.

"Kung hindi namatay si Jamie, sa palagay mo ba, tayo ngayon?"

"Ewan ko."

"Malamang hindi. Kasi’y marami rin kaming pangarap nun. Pero ngayon, wala na ang mga iyon. Tayo na ang magbubuo ng pangarap ngayon."

Palihim na hinawakan ni Ninang ang palad ko. Pinisil.

Nakarating kami sa Quiapo Shopping Center. Agad akong ibinili ng sapatos at saka brief.

"Hindi na siguro mabubutas ito kasi iba na ang binubutas ni ‘Birdie’," sabi ko at bigla akong tinampal ni Ninang sa balikat. (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BATAY

BATHA HOTEL

KASI

NAPAHAGIKGIK

NINANG

NINANG JOY

OO

QUIAPO SHOPPING CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with