^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-32 labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


HINDI ko alam kung paano naibaba ni Kiko ang pantalon niya hanggang tuhod at handa nang sumalakay sa nakabuyangyang na hiyas ng Saudi Arabia. Ewan ko. Ba’t hindi ko namalayan? Ako na rin ang sumagot sa katanungan ko. Paano malalaman gayong maski ang pagtanggal niya sa suot kong shorts at panty kani-na ay hindi ko namalayan. Parang nagdaan ang isang malakas na buhawi sa disyerto at nilipad ang mga saplot sa ibaba.

‘‘Bakit?’’ tanong ni Kiko nang mariin akong tumanggi sa gusto niya,

‘‘Ayaw ko!’’

‘‘Putris naman o’’ ang pagkabitin sa gustong mangyari ay damang-dama sa tigas ng boses.

‘‘Hindi ako pokpok ano?’’

‘‘Sinabi ko bang pokpok ka?’’

Hindi ako sumagot. Isinuot ko ang aking panty at dinukwang ang shorts at mabilis na isinuot iyon.

‘‘Umalis ka na. Mamaya niyan, may kumatok na motawa rito.’’

Kumilos si Kiko. Itinaas ang brief at ang pantalon. Hindi ko nakita ang ‘‘alaga’’ niya at wala akong balak na makita iyon. Ewan ko pero, sabik lang akong maranasan kung pa-ano ang hinihimas o nilalasahan pero kapag ‘‘iyon na’’, hindi ko na kaya. May takot pa rin ako. At saka hindi naman ako sigurado kay Kiko. Malay ko ba kung totoo nga bang binata ang walanghiya. At saka sex agad ang gusto. Sabagay, itinuloy kanina dahil nagpaubaya ako. Mabuti na lamang at nakabawi ako sa pagkakalimot na iyon. Mabuti at nanumbalik ang katinuan ko.

Umalis na walang paalam si Kiko. Masama ang loob. Pakialam ko ba.

May dalawang linggong hindi nagpa- kita si Kiko. Ni tawag sa telepono wala. Walang epekto sa akin iyon. Pero nagulat ako nang sumulpot sa ospital. Nagso-sorry sa hindi niya pagdalaw. Okey lang sabi ko.

Padalaw-dalaw na muli noon sa housing namin pero sandali lang. At nang inaakala na wala na malamig na ang ulo ko, niyaya akong magpakasal.

‘‘Ayoko nga,’’ sagot ko.

‘‘Bakit?’’

‘‘Hindi pa ako handa diyan.’’

‘‘Ang arte mo naman.’’

Sinampal ko.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AYAW

AYOKO

BAKIT

EWAN

ISINUOT

KIKO

SAUDI ARABIA

UMALIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with