^

True Confessions

Maria Soledad Ika-77 Labas

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

"SORRY Cris ha, pero baka masaktan na naman siya ni Tatay. Naaawa na ako kay Ate. Sana maintindihan mo siya…"

"Okey lang, Dang," sagot naman ni Cris at tumingin sa akin at nahihiyang nagsalita, "Friend huwag kang mag-aalala. ‘Kala ko kasi walang problema. Kala ko okey lang. Sorry din, nagalit pala ang father mo dahil sa akin."

"Wala ka namang kasalanan. Pareho tayong walang kasalanan. Mainit lamang ang ulo ng tatay ko kaya nagalit sa akin. Ganoon naman iyon palagi…"

Pagkaraan ay nagpaalam na si Cris.

"Sige, Friend."

"Sorry ha?" sabi ko uli.

"No problem, Friend."

Lumakad na ito at bumalik sa kanilang puwesto. Hindi ko naman malaman ang gagawin. Sa totoo lamang, nabigla ako sa desisyon ni Dang na prangkahin na si Cris. Mas matapang si Dang at may matibay na desisyon kaysa sa akin. Mas mabilis magpasya.

"Kung hindi mo kasi paprangkahin, baka umasa nang umasa," sabi ni Dang "mabuti na yung habang maaga ay nababara na."

"Naaawa ako."

"Maawa ka sa sarili mo."

"Sa palagay mo hindi siya magtatampo dahil naprangka mo."

"Ano naman kung magtampo siya? Iyon naman ang totoo di ba magagalit si Tatay."

"Baka kasi tuluyan nang magalit at hindi na tayo pansinin kapag nakasalubong o makasakay sa dyipni."

"Ate Marisol masama na ‘yang ipinahihiwatig ng salita mo. May crush ka kay Cris ano?"

"Wala. Nababaitan lamang ako sa kanya. Masarap maging kaibigan."

"Saan ba napupunta ang pagkakaibigan kundi sa pag-iibigan?"

Hindi na ako sumagot. Nakaramdam ako ng gutom. Iniwan ko na si Dang at umuwi para kumain.

Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na nakita si Cris at maski sa puwesto nila sa palengke ay hindi ko na rin napapansing tinutulungan ang ina sa pagtitinda kung Sabado at Linggo.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO

ATE MARISOL

CRIS

GANOON

NAAAWA

TATAY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with