^

True Confessions

Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-10 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Ignacio S. Bonifacio ng Novaliches,Quezon City)

PALIBHASA’Y mabuti at tapat na kaibigan si Ka Asyong kaya marami ang tumulong sa kanya nang ikakasal na sila ni Liling. Inamin ni Ka Asyong na wala pa siyang ipon nang magpakasal sila. Dahil sa tulong ay naging isang engrande ang kasalang naganap sa Hacienda Rosario sa Pasong Putik. Marami ang nabusog at nasiyahan. Idinaos ang kanilang kasal sa Our Lady of Mercy Church sa bayan ng Novaliches. Humanga kay Ka Asyong ang istriktong ama ni Liling. Hindi marahil akalain na mabibigyan niya ng ganoon ka-engrandeng kasal ang anak sa kabila ng kakapusan niya noon sa pera.

Naipamalas ni Ka Asyong sa kanyang biyenan ang kanyang katapatan at kalinisan ng tangka sa anak nitong si Liling. At naramdaman niyang mula noon ay naging mabait sa kanya ang biyenang lalaki. Napaamo niya at nakuha ang loob nito. Naging paborito na siya mula noon.

Kaya nga nang nagbalak silang magsarili o bumukod na ng tirahan ay tumutol ang kanyang biyenan. Ang dahilan ayaw nitong mapalayo sa kanilang piling ang anak na si Liling.

"Masipag ang anak kong iyan, Asyong. Siguro naman ay nakita mo na lagi siyang tumutulong sa aming mag-asawa" sabing seryoso sa kanya ng biyenan. "Malaking kawalan kung aalis kayo rito."

Hindi rin naman basta nakapagsarili sina Ka Asyong sapagkat may pamahiin na masamang umalis sa bahay ng babae hanggat hindi pa nakakaisang taon mula nang ikasal. Kaya isang taon silang kapiling ng kanyang mga biyenan.

Pero nahahalata marahil ng biyenan ang pagpipilit ni Ka Asyong na magkaroon ng sariling tahanan. Kaya isang araw ay kinausap siya ng biyenan, "Dito ka na lang sa lupaing ito magtayo ng bahay. Itayo mo diyan at para malapit kayo sa amin ni Liling."

Hindi makatanggi si Ka Asyong sa biyenan. Nagsimula siyang gawin ang bahay at itinayo niya iyon sa harap ng Jacinto Steel. Pinagtiyagaan niyang gawin. Yari iyon sa kahoy at pawid at may sukat na 8 x 10 feet lamang.

Subalit nang maitayo na niya ay saka niya naisip, na bakit nagtayo siya sa isang lupang hindi naman niya pag-aari. Paano kung dumating ang panahon na palayasin na sila roon? Paano ang nagastos at pagod niya sa paggawa ng bahay? Masasayang lamang? Hindi yata tama ang ganoon.

Lakas-loob na kinausap niya ang biyenan kinabukasan at sinabing, hindi niya nagugustuhan ang lugar.

Hindi kumukurap ang kanyang biyenan sa pagkakatingin sa kanya. Handa siya sa anumang sasabihin nito. (Itutuloy)

ASYONG

BIYENAN

HACIENDA ROSARIO

IGNACIO S

JACINTO STEEL

KA ASYONG

KAYA

NIYA

NOVALICHES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with