^

Probinsiya

Meat shop sinuwag ng truck: Vendor tepok, 3 pa sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Meat shop sinuwag ng truck: Vendor tepok, 3 pa sugatan
Isinugod pa sa Bicol Regional Hospital and Medical Center pero hindi na umabot nang buhay ang biktima na kinilalang si Melvin Lorin, 36-anyos, binata, residente ng naturang lugar. Malubhang nasugatan din at patuloy na nilalapatan ng lunas ang driver ng dump truck na si Regie Lumawag, 55-anyos, residente ng bayan ng Manito at ang hindi pa pinangalanang pahinante. Konting galus naman ang tinamo ng senior citizen na nanay ni Lorin.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang meat vendor habang tatlo pa ang sugatan matapos bumangga sa tindahan ng karne ang isang dump truck na kargado ng buhangin at bato mula sa quarry area ng Mt. Mayon sa Brgy. Mabinit, Legazpi City, Albay kamakalawa ng hapon.

Isinugod pa sa Bicol Regional Hospital and Medical Center pero hindi na umabot nang buhay ang biktima na kinilalang si Melvin Lorin, 36-anyos, binata, residente ng naturang lugar. Malubhang nasugatan din at patuloy na nilalapatan ng lunas ang driver ng dump truck na si Regie Lumawag, 55-anyos, residente ng bayan ng Manito at ang hindi pa pinangalanang pahinante. Konting galus naman ang tinamo ng senior citizen na nanay ni Lorin.

Sa ulat, pababa na umano mula sa itaas na bahagi ng Mt. Mayon nang mawalan ng preno ang dump truck (ABT-1723) na kargado ng filling material hanggang deretsong bumangga sa tindahan ng biktima.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nagiba ang tindahan at tumagilid ang dump truck dahilan para madaganan ang biktima.

Nahirapan pang bunutin mula sa pagkakaipit si Lorin at nang makuha ay mabilis na isinugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival. Sugatang dinala rin ang driver ng truck at pahinante sa hospital.

vuukle comment

BICOL REGIONAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with