^

Police Metro

Tandem utas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang dalawang lalaki makaraang paulanan ng bala habang lulan ng motorsiklo sa highway ng Brgy. Poblacion, Datu Paglas, Maguindanao del Sur, nitong Lunes ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ali Miling, 24 at Akmad Pendililang, 32; kapwa residente ng Brgy. Katil ng nasabing munisipalidad.

Sa ulat ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office (PPO), bago nangyari ang krimen, mag-a-alas-2:00 ng hapon ay sakay ang dalawang biktima ng Bajaj motorcycle ­na walang plaka.

Pagsapit sa lugar ay agad na sila ay pinagbabaril ng mga armadong salarin na sakay naman ng Skygo motorcycle na kanina pa sumusunod sa kanila.

Narekober naman ng mga nagrespondeng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with