^

Police Metro

Mas malaking pondo inilaan sa Project NOAH

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni UP Resilience Institute (UPRI) Executive Director Mahar Lagmay na ang bagong inilabas na P1 bilyon ay magpapalawak pa sa Project Nationwide Operational Assessment of Hazards (NOAH) na tututok sa pagpapalakas ng pamamahala sa baha, hazard monitoring, at disaster risk reduction systems habang hinaharap ng bansa ang matitinding epekto ng climate change.

Sinabi ni Lagmay, propesor ng heolohiya sa UP na umaasa siya na ang pondong inilaan ng gobyerno sa UPRI ay patuloy na magpapalit ng kaalamang pang-agham tungo sa praktikal na aksyon na nagpoprotekta ng buhay at tumutulong sa pagbuo ng mas ligtas, mas matatag, at mas napapanatiling komunidad. Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) na maglaan ng bagong P1 bilyon para sa Project NOAH na pinangangasiwaan ng UPRI. Ang pondong ito ay magpapalakas sa impact-based forecasting na binuo ng mga mananaliksik ng NOAH gamit ang makasaysayang datos, satellite images, rainfall data, at iba pang dataset.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sinimulan na nila ang teknikal na paghahanda para sa mga science-backed flood ­management projects upang palakasin ang pangmatagalang kahandaan sa sakuna at climate change response.

Sa utos ng Pangulo, inatasan ni Public Works Secretary Vince Dizon ang pag-update ng lahat ng flood ­management master plans upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa taunang malawakang pagbaha.

Kasama sa plano ang pakikipagtulungan sa UPRI’s Project NOAH, LGUs, at iba pang ahensya para maisama ang detalyadong hazard mapping at scientific data bago ipatupad ang mga proyekto.

Ang P1 bilyong pondo ay nakalaan para sa P935 milyon sa research ­services; P65 milyon sa general management at supervision ng NOAH.

Ayon kay UP President Angelo Jimenez, ang pondong inilaan ng administrasyong Marcos sa UPRI ay isang pamumuhunan sa kapangyarihan ng pananaliksik at inobasyon para sa bayan.

 

 

PROJECT NOAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with