^

PSN Showbiz

Derrick, planong mag-dalawang araw sa gitna ng dagat

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Derrick, planong mag-dalawang araw sa gitna ng dagat
Elle, Derrick at mga Kaibigan
STAR/ File

 Nahihilig ngayon ang magkasintahang sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa pangingisda.

Makikita sa Instagram post ng aktor ang mga larawan ng ginawa nina Elle at Derrick sa gitna ng karagatan kasama ang mga kaibigan na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Sophia Señoron at Matt Lozano. “May mga nahuhuli kaming mga Mackerel, Lapu-Lapu, Dorado. ‘Yung plano namin next time two-day fishing escapade. Nasa gitna lang kami ng dagat,” nakangiting kwento ni Derrick sa 24 Oras.

Huling nagkatambal ang magkasintahan sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo. Bukas naman ay muling mapapanood sina Elle at Derrick sa espesyal na episode ng Barangay Love Stories. “No’ng una nga akala ko magaan, light lang siya. Tapos may mga dramahan pala. Masaya rin naman kasi kilig-kiligan siyempre,” pagtatapat ng Kapuso actor.

Napapanood na rin ngayon ang karakter ni Derrick bilang isang theater director sa Born To Shine. Malaking bagay para sa aktor na mayroon siyang karanasan sa entablado sa tunay na buhay na nakatulong sa kanyang role ngayon. “May mga eksenang montage na parang tuturuan ko siya. Mga tamang ginagawa (sa teatro). So at least naa-apply ko din ‘yung mga natututunan ko. Parang binabalik niya ako sa theater roots ko eh. Makatapak ka sa stage, parang ‘Wow! Nakaka-miss pala ‘to ah,’” pagbabahagi ng binata.

Gladys at Juday, nag-reunion sa music video

Mahigit apat na dekada nang aktibo sa show business si Gladys Reyes. Nakilala ang aktres bilang isa sa mga pinakamagaling na kontrabida sa industriya. Ngayong taon ay sumabak na rin si Gladys sa pagkanta at isa nang ganap na recording artist. “Mahilig lang talaga ako kumanta pero hindi ko na akalain na magkakaroon din ako ng single, and I’m grateful for this answered prayer,” masayang pahayag ni Gladys.

Kamakailan ay nailunsad na ang ‘Primera Kontrabida’ na unang single ng aktres. Bilang paghahanda sa bagong proyekto ay kinailangan umanong mag-voice lessons ni Gladys. “Of course, I took up voice lessons din po. Ayaw ko namang mapahiya. Maraming, maraming rehearsal po sa bahay, kanta-kanta, mga favorite songs ko. I’ve been singing po talaga. Marami lang hindi nakakaalam,” dagdag ng dating child star.

Mapapanood sa music video ng naturang kanta ang mga nakatrabaho noon ni Gladys sa teleseryeng Mara Clara. Kabilang dito sina Judy Ann Santos, Susan Africa, Juan Rodrigo, Wowie de Guzman, at ang asawang si Christopher Roxas. “Sana naramdaman nila kung ano ‘yung gusto naming iparating na it’s very nostalgic, iconic. ‘Yung aming serye noon ay naging part na ng pop culture, ‘di ba? So sana muli namin silang naibalik sa gano’ng era,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

ELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with