Ashtine, ekstra lang noon kay Barbie!

Taong 2011 nang magsimulang magtrabaho si Ashtine Olviga sa bakuran ng GMA Network.
Nakatrabaho pa umano ng aktres noon si Barbie Forteza sa isang serye. “Nag-e-extra po ako dati sa GMA, Nita Negrita po with Barbie. Tapos nag-guesting din po ako sa Unang Hirit. Super sayang experience kasi ang dami kong nale-learn as a talent and nagagamit ko siya ngayon sa work ko,” nakangiting bungad sa amin ni Ashtine sa Fast Talk with Boy Abunda.
Nakaramdam man ng pangmamaliit noong bata pa lamang dahil sa pagiging isang ekstra ay nakatulong naman ang karanasang ito sa pagkatao ng aktres. “‘Yung gano’ng mga experiences po parang mas naka-help sa akin mag-build ng character ko ngayon. Para matrato din ‘yung ibang tao nang maayos,” giit ng dalaga.
Napabilang sa tatlong girl groups si Ashtine noon bago pa tuluyang nakilala bilang isang solo artist. Nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency ang aktres. “‘Yung una ko pong girl group na sinalihan (U Go Girls), 12 girls po kami. Tapos no’ng may naisip po sina Boss Vic (Del Rosario) ulit na another girl group (P-Pop Generation), like 45 girls. So kami pong 12 girls sinama automatic do’n sa 2nd group. Tapos po namili naman si Boss Vic within the 45 girls, ginawa niya five or six yata kami. ‘Yon po ‘yung pangatlong grupo ko (Litz) naman,” pagdedetalye ng aktres.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatambal sina Ashtine at David Licauco sa Fight for My Way na napapanood sa Viva One. Magkahalong emosyon ang naramdaman ng aktres nang mabalitaan ang tungkol sa bagong proyekto. “Super grateful po ako kasi no’ng pinitch po siya, alam ko na po kasi ‘yung series and one of my favorites din. So sobrang na-pressure ako, grateful and excited din na gagawin ko ‘to,” nakangiting pahayag ng dalaga.
Ayon sa dalaga ay talagang masarap na katrabaho si David. Suportado umano ng Kapuso actor ang lahat ng mga eksenang ginawa ng dalaga sa serye. “Si David, he’s very understanding and patient siya. Kapag nag-i-struggle po ako sa scenes, wala po akong naririnig na reklamo sa kanya. Hindi nadadagdagan ‘yung pressure ko kasi very relaxed nga. And nakikita mo na he’s willing to wait and naa-understand niya ikaw,” paglalarawan ni Ashtine sa aktor.
Samantala, matatandaang kinakiligan din ng mga tagahanga ang tambalan nina Ashtine at Andres Muhlach noong isang taon. Nagbida ang dalawa sa seryeng Ang Mutya ng Section E. Hindi raw kailangang pilitin pa ni Ashtine ang mga tagahanga nila ni Andres na suportahan ang bagong serye. “Ako po talaga ayaw ko ng namimilit sa mga supporters namin, like I tried to be transparent sa kanila. Nagri-reach out po ako through broadcast channel ko po sa Instagram. Do’n ako nag-e-explain minsan kung may kailangan akong sabihin. Do’n ko pinaparating sa kanila. And sa mga nagsu-support sa akin ngayon, sobrang thankful ako. Meron naman po like may nakikita akong mga supporters namin ni Andres na sinusuportahan po ako dito,” pagbabahagi ng aktres. — Reports from JCC
- Latest





















